11.21.2007

Pakiusap Lyrics -Kundiman

Pakiusap Lyrics by Francisco Santiago

Natutulog ka man, irog kong matimtiman
Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam
Dahan dahan mutya, buksan mo ang bintana,
Tanawin mo't kahabagan,
Ang sa iyo'y nagmamahal.


Kung sakali ma't salat sa yama't pangarap,
May isang sumpang wagas,
Ang aking paglingap.
Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako,
Kahit mamatay, pag-ibig ko'y minsan lamang.
Iniibig kita, magpakailan pa man.




video by maybelar

Tags:
,,,,,,,,,,,,,

2 comments:

Anonymous said...

madamdamin, pinoy na pinoy ang dating, hanep ang lyrics, maganda sa kabuuan, salamat po

ray said...

the translation please....i need it for my resital....endehonma@yahoo.com
thanks.