Showing posts with label Old Tagalog Songs. Show all posts
Showing posts with label Old Tagalog Songs. Show all posts

11.02.2007

BAYAN KO lyrics

Bayan Ko
Original Tagalog lyrics by Jose Corazon de Jesus
Melody by Constancio de Guzman.

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!





,,,,,,,,,,,,,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

10.28.2007

AKO'Y KAMPUPOT

AKO'Y KAMPUPOT
Lyrics by Maning P. Velez



Ako'y kampupot
Na bagong sikat
Ang halimuyak
Sadyang laganap
Kaligayahan sa bawa't oras
Man din ang nais
Tanging paglingap

Kaya't noong minsan
Ay napakinggan
Isang binatang
Nananambitan
Puso kong taglay
Lubhang pihikan
Ay narahuyo sa panawagan.

Refrain:

Nasaan yung pangarap
Ng paglalambingan
Tangan na ng aking hirang
Alay ay kaligayahan
Kay tamis nga naman
Mabuhay 'ta sa pagmamahal
Kung ang ligaya ay makakamtam
Sa habang buhay.

,,,,,,,,,,,,,

10.27.2007

Maalaala Mo Kaya

MAALAALA MO KAYA?
Constancio De Guzman


Huwag mong sabihing ikaw'y hamak
kahit na isang mahirap,
Pagka't ang tangi kong pagibig
ganyan ang hinahanap.

Aanhin ko ang kayamanan
kung ang puso'y salawahan,
Nais ko'y pagibig na tunay
at walang kamatayan.

Koro:

Maalaala mo kaya
ang sumpa mo sa akin,
Na ang pagibig mo ay
sadyang di magmamaliw.
Kung nais mong matanto,
buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
ang doo'y nakatago.

Di ka kaya magbago
sa iyong pagmamahal?
Hinding-hindi giliw ko
hanggang sa libingan
O. kay sarap mabuhay
lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
ay di na mapaparam.


,,,,,,,,,,,,,

10.26.2007

KATAKATAKA

KATAKATAKA
by Santiago S. Suarez




Kataka-takang mahibang
ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
ngunit 'yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo
(Repeat)

Alaala ka maging gabi't araw
Alipinin mo't walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo, hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.

back to Filipino Folk Songs



,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

8.18.2007

PAMAYPAY NG MAYNILA lyrics

PAMAYPAY NG MAYNILA
composed by Constancio de Guzman

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan
May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan
Ang bawa't mga kilos sa padyak ng pamaypay
Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

Kung ito'y nakatabing sa tapat ng mukha ko
Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko
Nguni't pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo
Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.

Pag ito'y pinamaspas na panay ang pagaspas
Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin
Subali't pagmalaya, may ibig alamin
Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.

Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin
Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin
Bawa't simoy ng hangin na dito ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin



back to Filipino Folk Songs


Tags:
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,,,,

7.21.2007

Sa Lumang Simbahan

SA LUMANG SIMBAHAN


Ilang beses na rin nilikha ang obrang Ang Lumang Simbahan na isinapelikula pa noong dekada 30s, sa bersiyong ito ay binigyang buhay muli nina Leopoldo Salcedo at Leila Morena kung saan ang kuwento ay tumatakbo sa dalawang pusong nag-iibigan at nagsumpaan sa harap ng dambana sa loob ng Lumang Simbahan.



Ginawa ito ng Nolasco Brothers Production at ipinalabas sa mga sinehan noong ika-2 ng Marso, 1949


Sa lumang simbahan
Aking napagmasdan
Dalaga't binata
Ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod
Sa harap ng altar
Sa tigisang kamay
May hawak na punyal

"Kung ako'y patay na
Ang hiling ko lamang
Dalawin mo giliw
Ang ulilang libing
At kung marinig mo
Ang taghoy at daing
Yao'y pahimakas
Ng sumpaan natin"

"At kung maririnig mo
Ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw
Sa harap ng altar
At iyong idalangin
Ang naglahong giliw".




back to Filipino Folk Songs


Tags:
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

7.20.2007

Sinisinta Kita

Sinisinta Kita

Sinisinta Kita is a Sampaguita movie in 1963 featuring Luis Gonzales, Gloria Romero, Lopito, Lilian Laing,Patsy, Tony Dauen and Charlie Davao.


Kung ang sinta'y ulilahin
Sino pa kaya'ng tatawagin
Kung hindi si Pepe kong giliw
Na kay layo sa piling.
Refrain:
Malayo man, malapit din
Pilit ko ring mararating
'Wag lamang masabi mong
Di kita ginigiliw.

Chorus:
Sinisinta kita, di ka kumikibo
Akala mo yata ako'y nagbibiro
Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro
Kundi kita mahal, puputok ang puso.
Repeat Refrain

Repeat Chorus

Coda:
Sinisinta kita, di ka kumikibo (2x)
Sinisinta kita.


back to Filipino Folk Songs


Tags:
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

7.19.2007

O Maliwanag na Buwan

O, Maliwanag na Buwan
by Levi Celerio

O, maliwanag na buwan
Nakikiusap ako
Ang aking minamahal
Sanay ay malaman mo

Tadhana’y mapagbiro

Ang pag ibig ko sa kanya
Ay hindi maglalaho
Hanggang sa kamatayan.

O, buwan sa liwanag mo
Kami’y nagsumpaan ng irog ko
Giliw ko ang sabi niya
Ang puso ko’y iyong iyo.

back to Filipino Folk Songs


Tags:
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

7.18.2007

ANG TAPIS MO INDAY

ANG TAPIS MO INDAY
by Levi Celerio

Isang musikang inilapat sa pelikulang Ang Tapis mo Inday na kinatatampukan ni Celia Flor at Teody Belarmino.


Ang tapis mo Inday
Ay kay ganda
At mapang-akit
Lunas at aliw
Sa lungkot kong tinitiis

Bakit hindi mo na suot ngayon
Ang saya't tapis mong marikit
Nalimot mo na ba
Ang dating ayos mo kung magbihis.

Tapis na kay ganda,
huwag itapon Inday
Ang aking puso'y mamamanglaw
May damit kang iba,
ngunit bagong hiram
Dapat mong mahalin ang
damit na kinagisnan.


Tags:
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
,

7.17.2007

Carinosa

Cariñosa ( [ˌkariˈɲosa]) is a flirtatious Philippine group dance in the Maria Clara suite of Philippine folk dances where the fan or handkerchief plays an instrumental roll as it places the couple in a hard-to-get romance scenario.

CARIÑOSA
Traditional

Ang pangarap ko sa pag-ibig
Ay maging akin hanggang langit
Ang isang tapat kung gumiliw
Ang pagsuyo'y di mawawaglit
Matupad ko lamang ang nais
Hahamakin ko ang panganib
Sa pagkat ako'y cariñosa kung umibig

II.
Ang puso laging malulumbay
Kung lilimutin mo
Ang pagsintang wagas aking mahal
Irog ko nahan ang pag-asa
Ng tanging pagsintang
Wari'y magdurusa

III.
Panaligan mo aking giliw
Kailan ma'y hindi lilimutin
Ang iyong pagsuyo sa akin
Iingatan ko hanggang libing
Kung ako'y naging cariosa
Sa piling mo lang aking giliw
Ang pag-ibig ko ay asahang
Walang maliw.


Tags:
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

10.06.2006

Old Tagalog Songs-Gaano Ko Ikaw Kamahal


GAANO KO IKAW KAMAHAL

Levi Celerio -- Lyricist
Ernani Cuenco -- Composer
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman
Ang pag-ibig ko sa iyo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
Huwag ka nang mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat
Ang ating buhay maikli aking Hirang
Kung kaya kailangan ang pagsuyong wagas kailanman
Ang sumpa ko sa iyo ay asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman

Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat
Ang ating buhay maikli aking Hirang
Kung kaya kailangan
Ang pagsuyong wagas kailanman
Ang sumpa ko sa Iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman.






back to Filipino Folk Songs



,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

Old Tagalog Songs-Bakya Mo Neneng

BAKYA MO NENENG

S. S. Suarez - Composer
Levi Celerio - Lyricist
picture of a bakya or wooden shoes
uploaded by cathcath.com

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.

Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.

Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man.

Meaning:

This old song is about a man who asks why his former sweetheart no longer wear the wooden shoe that he gave her. He still clings fo hope that she will not throw it away.




back to Filipino Folk Songs



,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

10.05.2006

Old Tagalog Songs-Ang Dalagang Pilipina

picture of a filipina
pic from nati0nal costume
ANG DALAGANG PILIPINA

J. Santos -- composer
Jose Corazon de Jesus -- Lyricist



Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng
ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag, ang bango
ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak, hantungan ng
madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
sa isang tunay na pagsinta.

,,,,,,,,,,,,,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

9.30.2006

Old Tagalog Songs-Sa Ugoy ng Duyan

cathy

SA UGOY NG DUYAN

Music by Lucio San Pedro
Lyrics by Levi Celerio

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala
Ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig hang ako'y nasa duyan.

,,,,,,,,,,,,,

Old Tagalog Songs-Sampaguita

SAMPAGUITA
Tagalog Folksong

This is song about the national flower of the Philippines, the sampaguita.


uploaded by cathcath.com

Sampaguita mutyang halaman
Bulaklak na ubod ng yaman
Ikaw lang ang siyang hinirang
Na sagisag nitong bayan.
At ang kulay mong binusilak
Ay diwa ng aming pangarap
Ang iyong bango't halimuyak
Sa tuwina ay aming nilalanghap.
O bulaklak na nagbibigay ligaya
Aking paraluman mutyang Sampaguita
Larawang mistula ng mga dalaga
Tanging ikaw lamng
Ang hiraman ng kanilang ganda.
Ang 'yong talulot na kay ganda
Mga bubuyog nililigiran ka
Kung sa dalagang sinisinta
Araw gabi'y laging sinasamba.




back to Filipino Folk Songs



,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,,Technorati tags:
,,,,,,,,,,,,

9.29.2006

Old Tagalog Songs-Silayan


SILAYAN

Sa bawat sandali tayo ay magkapiling
Sa bawat lunggati pakinggan ang hiling
Ang puso ko't budhi ay hindi sinungaling
Sana ay ulinigin damdamin ko, giliw--
Asahan, pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin.
Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutang magtapat sa 'yo hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin.

,,,,,,,,,,,,,

9.28.2006

Old Tagalog Songs-Sa Libis ng Nayon

SA LIBIS NG NAYON

by Santiago S. Suarez

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon
Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.
Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan at dangal ng kabukiran
Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituin
Ay nag-aalay ng aliw.
kung ang puso'y ang hanap ay paglalambing
Awit ng parang ay dinggin.
Ang pagibig man din dito nagsupling
At kapag nasiphayo'y luksang libing.
Kaya't ang payo ko ay inyong susundin
Bukid ay dapat mahalin.

,,,,,,,,,,,,

9.27.2006

OLD TAGALOG SONGS -Sa Gabing Mapanglaw

SA GABING MAPANGLAW

Tumataghoy sa gabing mapanglaw
Ang abang lagay ko O mutyang hirang
Sana'y dinggin ang hibik at daing
Waring malalagot na ang buhay na angkin.
Bago man lang ako maglaho ng ganap
Dungawin mo itong abang naghihirap
HKahit sulyap man lang kung tatapunan
Langit ko nang ituturing ang libingan.

,,,,,,,,,,,,,

9.26.2006

Old Tagalog Songs-Lambingan

LAMBINGAN


Ay kay tamis hirang nang pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay lalo kita'y kapiling
Kung tayo'y mawalay palad ko'y hinirang
At kung walang lambingan mabuti pa
Mabuti pa tayo'y pumanaw.
Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkot
Napaparam, nagbabago ang lahat ng himutok
At sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabango
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko.
Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag
Sa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap nang matamis na lambingan.

,,,,,,,,,,,,

9.25.2006

OLD TAGALOG SONGS -Katakataka

KATAKATAKA
by Santiago S. Suarez

Kataka-takang mahibang
ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
ngunit 'yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo
(Repeat)
Alaala ka maging gabi't araw
Alipinin mo't walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo, hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.


,,,,,,,,,,,,,