Showing posts with label George Canseco. Show all posts
Showing posts with label George Canseco. Show all posts

2.10.2006

PAANO-POPS FERNANDEZ

PAANO
(George Canseco/D'Amarillo)

by Pops Fernandez


uploaded by cathcath.com


Paano kung wala ka na
Paano ba ang mag-isa
Mula nang makasama ka
Kung paano'y limot ko na

Paano ang pag-ibig ko
Kung di rin lang laan sa 'yo
Ang buhay ng ating mundo
Di ko alam kung paano

Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa iyo
Paano ba ito

O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa iyo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paanong aking gagawin
Kung di mo na ako pansin
Kung ito'y panaginip din
Paano ba ang magising

Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa iyo
Paano ba ito

O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa iyo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paano ba aking mahal
Paano ba mahal


back to Filipino singers

,,
,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,

2.10.2005

OPM - Basil Valdez-KASTILYONG BUHANGIN


KASTILYONG BUHANGIN
Basil Valdez
(G. Canseco)

uploaded by cathcath.com



Minsan ang 'sang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin,
Sakdal-rupok at huwag di masaling
Guguho sa ihip ng hangin

Ang alon ng maling pagmamahal
Ang s'yang kalaban n'yang mortal,
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal

Kayat bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Pakaisipin naitn kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan,
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala.

Kayat bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Pakaisipin naitn kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan,
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na
Pansamantala, luha ang dala
'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin,
Gumuhong kastilyong buhangin.


Back to OPM Lyrics.





,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,

2.08.2005

OPM -Basil Valdez-KUNG AKO AY IIWAN MO

KUNG AKO'Y IIWAN MO
Basil Valdez
(G. Canseco)





uploaded by cathcath.com



Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kundi sa 'yo,
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo.

Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko, sinta,
Upang di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala,
Ngunit saan ako tutungo pa
Na di kita makikita?

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa,
Kapag wala ka na
Aking sinta?

Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba (too-root-doo)
Sa ki'y sisikat pa (too-root-doo)
Kapag wala ka na at di magisnan?
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba (too-root-doo)
Sa ki'y sisikat pa (too-root-doo)
Kapag wala ka na at di magisnan?

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa,
Kapag wala ka na
Aking sinta?

Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba (too-root-doo)
Sa ki'y sisikat pa (too-root-doo)
Kapag wala ka na at di magisnan?

May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?
May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?






Back to OPM Lyrics.

,,,
,,,,
,, ,
,, ,
,