11.14.2007

Ang Parabula ng Magsasaka at ang Balon

Ang PArabula ng Magsasaka at ang Balon

Sa kahahabol sa magsasaka ng kaniyang mga kaaway, nahulog siya sa lumang balon na walang tubig.

Wala siyang pag-asang makaahon kung walang tutulong sa kanya. Nang malaman ng kaniyang mga kaaway ang sinapit niya ay hindi lamang ito nagsipagsaya kung hindi
ipinasya nila na tapusin na rin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng paglibing sa kaniya ng buhay doon sa balon.

Kaya, sama-samang kumuha ng lupa at dumi upang punuin ang balon para ibaon ang magsasaka sa ilalim.

Kahit anong pakiusap ng magsasaka ay walang awang ipinagpatuloy ng mga kaaway niya ang masamang balak.

Dahil sa madilim ang balon, hindi makita nang mga nagtatabon kung ano ang nangyari sa magsasaka. Inisip nilang patay na ito dahil wala silang marinig na ingay mula sa ibaba ng balon.

Minadali nila ang pagtabon at huminto lang sila nang malapit na ang lupang itinatabon sa bunganga ng balon. Naupo sila sumandali para magpahinga.

Laking gulat nila nang tumalon ang magsasaka mula sa balon at tuloy-tuloy na tumakbong papalayo.

Habang tinatabunan pala siya, ang magsasaka ay pinapalis lamang ang dumi at umaakyat siya sa bagong tabon na balon.

Parang isang tao na sa gitna nang paninira ng kaaway, ginagamit niya ito para lalo siyang magsumigasig upang siya ay manalo sa labanan.



Adapted and translated by Cathy.

Tags:

,

No comments: