Anak Dalita lyrics by Francisco Santiago
Ako'y anak ng dalita
At tigib ng luha
Ang naritong humihibik
Na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit
At kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig
Saka pagdaramdam
Ay, kung hindi ka maaaba
Sa lungkot kong dinaranas
Puso't diwang nabibihag
Sa libing masasadlak
Magtanong ka kung 'di tunay
Sa kislap ng mga tala
Magtanong ka rin sa ulap
Ng taglay kong dalita
CHORUS
Sa dilim ng gabi
Aking nilalamay
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Kung ikaw ay mahimbing
Sa gitna ng dilim
Ay iyong ihulog
Puso mo sa akin
AD LIB
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Ay iyong ihulog
Puso mo sa akin
CODA
Ang iyong ihulog, ang iyong ihulog
Buhay, pag-asa, pag-asa
video from maybelar
Tags:
Tagalog Songs,,Tagalog OPM,Tagalog Songs lyrics,folk songs,lyrics,Filipino singers,BICOLANO FOLK SONGS,,Tagalog Folk Songs,Visayan folk songs ,Capampangan folk songs,Ilocano folk songs,Filipino singers,Filipino folk dance,Filipino Songs,Anak Dalita
11.23.2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment