10.23.2007

Paskong Bukol ng Ninong Ko lyrics-Tagalog Christmas Song

Paskong Bukol ng Ninong Ko


I


Kuripot ang ninong ko
Sa aginaldong piso
Dagling sumakit ang kanyang ulo
Sa aginaldong piso
Napudpod ang nguso ko
Sampung beses akong pinagmano

II


Ay naku ninong nalulugi pa ako
Sa pasahe sa pagpunta sa inyo
Ay naku kung laging ganyan kayo
Ay 'di na muli ako mamamasko

III


Kuripot itong ninong ko
Mayro'n namang negosyo
At maraming kuwalta sa banko
May masagwa pang bisyo
Na kung araw ng Pasko ang bahay
Ay palaging sarado

IV


Aba't itong ninong ko
Ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto
Nabisto ng ninang ko
Na siya pala ay mayroong number two

V


Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng napasukan mo
Ngayon ay pasko number one at number two
Ay naghihintay na makapiling mo

VI


Pumalpak ang ninong ko nahuli ng ninang ko (lagot)
Kumare pala niya ang number two (patay)
kaya pati kumpare nagalit sa ninong ko
Pinukpok ang ulo ng ninong ko (aray).

Repeat IV, V, & VI

Ulo nagkabukol paskung-pasko
At nagpaskong bukol ang ninong ko.


Back to Tagalog Christmas Songs

Back to English Christmas Songs


back to Filipino Folk Songs



,,,
,,,,
,, ,
,, ,
, ,

2 comments:

Beck said...

wah fave ko eto kanta na to nung bata pa ko eh ^__^

uhmm... miss cathy pede enge link ng mp3 nyan? :D

Anonymous said...

po kaya mado2wnload ung song na paskong bukol sa cp ko?
send nalang po kau sa eadd ko..
mametin_cerezo@yahoo.com
tnx poh..
galing nyo!