TAGUMPAY NATING LAHAT
Lea Salonga
(Gary Granada)
Ako'y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang timyas ng perlas ng Silangan
Nagniningning sa buong kapuluan
Tagalay ko ang hiwaga ng Silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging Timog, Hilaga at Kanluran
Ang Pilipino ay namumukod
REFRAIN:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa sama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating
Ang iba't ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan
REFRAIN:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat.
Technorati tags:
Tagalog Songs,Tagalog OPM,Tagalog Songs lyrics,
folk songs,lyrics,Filipino singers,Bicolano folk songs,
Tagalog Folk Songs,Visayan folk songs , Capampangan folk songs,
Ilocano folk songs,Filipino singers, Lea Salonga,
Tagalog Christmas Songs, Pinoy OPM Christmas Songs,Pagkaing Pinoy,Lutong Pinoy
Laing ,
Filipino cuisine,
Pinoy Food
9.10.2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment