DIWA NG PASKO
[zum-zum (4x)]
Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Magsaya tayo kapatirang banal
Ipagdiwang lugod sa puso
Si Hesus natin syang tanging maykapal
Lumuhod tayo sa harap niya
Magsimba tayo siyam na simbanggabi
Uwian ay bukang-liwayway
Ang buong bayan ligid-ligiran
Mga tindahan, kakainan
[lalala]
Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Ang durungawan puspos ng ilaw
Luntian at pulang kulay na masaya
At ang pintuan pinagsabitan
Parol na tunay sa paskuhan
Ang maganda nating bihisan
Ay isuot kahit na minsan
At ang gintong hikaw at singsing
Ay linisin bago gamitin
[papapapam]
Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Mano po lolo, mano po ninong
Ang sadya po sana'y mamasko
Kung wala ma'y salamat din po
Sa tatlong-hari na'ng balik ko
[lalalala lalalala]
Buong tao'y muling nagdaan
At sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa'y makamtan
At sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa'y makamtan!
[lalalala lalalala]
Back to Tagalog Christmas songs
Back to English Christmas songs
Link
Tagalog Songs,Tagalog OPM,Tagalog Songs lyrics,folk songs,lyrics,Filipino singers,BICOLANO FOLK SONGS,,Tagalog Folk Songs,Visayan folk songs ,Capampangan folk songs,Ilocano folk songs,Filipino singers,Filipino folk dance,Tagalog Christmas Songs,Pinoy OPM Christmas Songs
12.13.2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment