DAHIL SA IYO
Mike Velarde -- Composer
Dominador Santiago -- Lyricist
Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit, ng pusong umiibig
Mandin wala ng langit
At ng lumigaya, hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta, ang aking pag-asa.
Dahil sa iyo, nais kong mabuhay
Dahil sa iyo, hanggang mamatay
Dapat mong tantuin, wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin
Dahil sa iyo, ako'y lumigaya
Pagmamahal, ay alayan ka
Kung tunay man ako, ay alipinin mo
Ang lahat ng ito, dahil sa iyo.
Back to Filipino Folk songs
Tags:
Tagalog Songs,,Tagalog OPM,Tagalog Songs lyrics,folk songs,lyrics,Filipino singers,BICOLANO FOLK SONGS,,Tagalog Folk Songs,Visayan folk songs ,Capampangan folk songs,Ilocano folk songs,Filipino singers,Filipino folk dance,Filipino Songs
Showing posts with label Awiting Bayan. Show all posts
Showing posts with label Awiting Bayan. Show all posts
11.22.2007
5.10.2004
Tagalog love song 5 - ANG TANGI KONG PAG-IBIG
ANG TANGI KONG PAG-IBIG
Music & Lyrics by Constancio de Guzman
Ang tangi kong pag-ibig ay minsan lamang
Ngunit ang iyong akala ay hindi tunay.
Hindi ka lilimutin magpakailan pa man
Habang ako ay narito at may buhay.
Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay kong unti-unti ng pumapanaw.
Wari ko ba sinta ako'y mamatay
Kung 'di ikaw ang kapiling habang buhay.
Repeat
Hindi ka lilimutin magpakailan pa man
Habang ako ay narito at may buhay.
Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay kong unti-unti ng pumapanaw.
Wari ko ba sinta ako'y mamatay
Kung 'di ikaw ang kapiling habang buhay.
ANG TANGI KONG PAG-IBIG -KUNDIMAN NI CONSTANCIO DE GUZMAN
Isinapelikula ito noong 1955 na ang gumanap ay ang mga sikat na si Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa.
Music & Lyrics by Constancio de Guzman
Ang tangi kong pag-ibig ay minsan lamang
Ngunit ang iyong akala ay hindi tunay.
Hindi ka lilimutin magpakailan pa man
Habang ako ay narito at may buhay.
Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay kong unti-unti ng pumapanaw.
Wari ko ba sinta ako'y mamatay
Kung 'di ikaw ang kapiling habang buhay.
Repeat
Hindi ka lilimutin magpakailan pa man
Habang ako ay narito at may buhay.
Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay kong unti-unti ng pumapanaw.
Wari ko ba sinta ako'y mamatay
Kung 'di ikaw ang kapiling habang buhay.
ANG TANGI KONG PAG-IBIG -KUNDIMAN NI CONSTANCIO DE GUZMAN
Isinapelikula ito noong 1955 na ang gumanap ay ang mga sikat na si Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa.
4.10.2004
Filipino love song 4 Kundiman ng Luha
Kundiman ng Luha - KUNDIMAN SONG BY NICANOR ABELARDO
(KUNDIMAN)
Music & Lyrics by Nicanor Abelardo
Paraluman sa pinto ng iyong dibdib
Isang puso ang naritong humihibik
Kaluluwang luksang-luksa at may sakit
Pagbuksan mo't damayan
Kahit man lang saglit.
Tingni yaring matang luha'y bumubukal
Humihingi ng awa mo't pagmamahal
Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw
Yaring pusong sa pagsinta'y mamamatay, mamamatay ay!
Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo.
Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako!
(KUNDIMAN)
Music & Lyrics by Nicanor Abelardo
Paraluman sa pinto ng iyong dibdib
Isang puso ang naritong humihibik
Kaluluwang luksang-luksa at may sakit
Pagbuksan mo't damayan
Kahit man lang saglit.
Tingni yaring matang luha'y bumubukal
Humihingi ng awa mo't pagmamahal
Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw
Yaring pusong sa pagsinta'y mamamatay, mamamatay ay!
Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo.
Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako!
Subscribe to:
Posts (Atom)