11.15.2007

Parabula ng Kaaway

Parabulang Kaaway

Matagal na rin siyang nagtitiis sa pang-aapi ng isang manager nila sa opisina. Lahat nang pang-iinis ay ginagawa sa kaniya. Naroong siya sy sigawan at ipahiya sa mga kaopisina nila, naroong sisihin siya sa kamaliang hindi naman niya ginawa. Wala naman siyang magawa dahil wala siyang malipatan. Hindi siya tapos sa kolehiyo.

Minsan ay nakalimutan niya ang kaniyang baon sa bus na sinakyan niya. Walang malapit na restawran na malapit sa opisina kaya lahat ay may dalang baon. Doon niya nalaman ang tindi ng galit sa kaniya ng manager na iyon. Ipinakita pa sa kanya ang pagtapon sobrang pagkain nito sa basurahan.

Mabuti na lang at may bagong empleyado na nag-alok sa kaniya na makihati sa dala nitong baon.

Itong empleyadong bago ang naghimok sa kaniya na tapusin ang kaniyang pag-aaral.
Sa loob ng mga taong siya ay nag-aaral at nagtitiis sa pang-aapi ng manager, ginawa niya itong inspirasyon upang siya ay makatapos.

Ang bsgong empleyado na naging mabait sa kaniya ay na-promote na maging manager ng isang departmento. Dahil sa kilala siya sa pagiging masipag at matiyaga , kinuha siya nitong maging assistant. Wala pang isang taon ay napromote ulit ang kaibigan niya at siya naman ay prinomote sa pagiging manager. Pantay na sila nang manager na umapi sa kaniya na hindi maipromote dahil sa kilalang pagkasuplada. Matagal na nga lang siya sa kumpaniyang yaon kaya di siya inaalis.

Hindi nagtagal at muli siyang umangat sa puwesto. Nasa kaniyang pamamahala na ang departamento ng manager na naging kaaway niya.

Minsan ay nagkaroon sila ng meeting. Ibig mang umiwas ay hindi nagawa ng manager.
Nang lumapit siya sa manager, hindi ito tumingin sa kaniya ng diretso. Pilit ang ngiti.

Kinamayan niya ito at sinabi niyang Salamat. Tumingin sa kaniya nang nagtataka ang manager. Sa loob niya ay Salamat saiyong pang-aapi at ako ay nagsumikap.


,

No comments:

Post a Comment