SA LUMANG SIMBAHAN
Ilang beses na rin nilikha ang obrang Ang Lumang Simbahan na isinapelikula pa noong dekada 30s, sa bersiyong ito ay binigyang buhay muli nina Leopoldo Salcedo at Leila Morena kung saan ang kuwento ay tumatakbo sa dalawang pusong nag-iibigan at nagsumpaan sa harap ng dambana sa loob ng Lumang Simbahan.
Ginawa ito ng Nolasco Brothers Production at ipinalabas sa mga sinehan noong ika-2 ng Marso, 1949
Sa lumang simbahan
Aking napagmasdan
Dalaga't binata
Ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod
Sa harap ng altar
Sa tigisang kamay
May hawak na punyal
"Kung ako'y patay na
Ang hiling ko lamang
Dalawin mo giliw
Ang ulilang libing
At kung marinig mo
Ang taghoy at daing
Yao'y pahimakas
Ng sumpaan natin"
"At kung maririnig mo
Ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw
Sa harap ng altar
At iyong idalangin
Ang naglahong giliw".
back to Filipino Folk Songs
Tags:
Tagalog Songs,Tagalog OPM,Tagalog Songs lyrics,
folk songs,lyrics,Filipino singers,Bicolano folk songs,
Tagalog Folk Songs,Visayan folk songs , Capampangan folk songs,
Ilocano folk songs,Filipino singers, Filipino folk dance,
Tagalog Christmas Songs, Pinoy OPM Christmas Songs,Technorati tags:
Tagalog Songs,,Tagalog OPM,Tagalog Songs lyrics,folk songs,lyrics,Filipino singers,BICOLANO FOLK SONGS,,Tagalog Folk Songs,Visayan folk songs ,Capampangan folk songs,Ilocano folk songs,Filipino singers,Filipino songs
No comments:
Post a Comment